Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinatubo humahataw, 15 lindol naitala

0 202

Panibagong 15 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkang Pinatubo sa nakalipas na 24 oras.

Batay ito sa Marso 23 bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs.

Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang may bahagyang pagligalig na posibleng dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan.

Wala namang pahiwatig ng pagputok ng Pinatubo sa nalalapit na panahon.

“Mangyari lamang na ang pagpasok sa Pinatubo Crater ay patawan ng matinding pag-iingat at iwasan na lamang hangga’t maaari,” saad ng Phivolcs.

“Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaaalalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna,” dagdag nito. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.