Pinatubo nagtala ng 7 pagyanig

Nairehistro ang pitong volcanic earthquakes sa Bulkang Pinatubo kahapon.
Ayon sa Phivolcs, nakataas ang alert level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang may bahagyang pagligalig na maaaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng Pinatubo.
Hindi naman anila namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon. (SDC)