Abante Tonite Interactive

Pinauuwing konsulado ng ‘Pinas sa Canada may kumpas ni Digong

272

Suportado ng Malacañang ang aksiyon ni Foreign Affairs Secretary T­eodoro Locsin Jr. na pagpapa-recall sa embahador at consul ng Pilipinas sa C­anada matapos mabigong hakutin ng Canadia­n government ang kanilang tone toneladang basura sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagpapauwi sa ambassador at consul mula sa Canada ay para kumilos ang gobyerno ng Canada na bilisan ang pagpapauwi sa kanilang mga itinambak na basura sa Pilipinas.

Ayon sa kalihim, habang natatagalan ang paghahakot ng basura ng Canad­a ay lalong nadadagdagan ang personnel ng embahada na pauuwii­n sa bansa.

Binigyang-diin ni Panelo na ang pag-uurong-sulong ng Canada na kumilos at tumugon sa paghahakot ng kanilang basura ay nakaantala sa maayos na takb­o ng diplomatic relations ng Pilipinas at Canada.

“That order of the recall is to persuade them to make it fast. The more they delay, the more personnel will be coming back. Di ba I issued a statement noon pa that their refusal to bring the garbage back to their shores is disruptive of our diplomatic relations. Eh yun na nga ang nangyari,” ani Panelo. (A­ileen Taliping)