Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinay booters asam silya sa Asian Cup

0 61

Walang ibang hangad ang Philippine women’s national football team kundi masungkit ang krusyal na tatlong puntos sa pagsagupa nito kontra Hong Kong Biyernes ng gabi sa kanilang huling laro sa 2022 AFC Women’s Asian Cup qualifier na ginaganap sa Tashkent, Uzbekistan.

Hindi man masungkit ang panalo, paborable na din na maisagawa nito ang draw kontra Hong Kong na magbibigay sa Pilipinas para mapanalunan nito ang nasamahang grupo at makatuntong sa Women’s Asian Cup.

Huling tinalo ng mga Pinay sa maigting na 2-1 comeback panalo ang Nepal sa unang laro noong Sabado.

Nagtabla naman ang Hong Kong at Nepal sa kanilang laban na nagbigay pagkakataon para sa Pilipinas na huwag lamang itong mabigo sa Hong Kong upang tanghaling kampeon sa grupo.

SM food to go Banner Ad

Hindi din kailangan ng Pilipinas na manalo o siguruhin lamang nito ang pagtatabla sa laro bagaman mas nais ng mga Pinay booters na makipagbanggang para sa panalo at hindi maging depensiba.

“The three points, syempre,” sabi ni PNWFT veteran Camille Rodriguez sa isang interview. “I think even before entering the tournament the mindset has always been to win the full six points for this tournament,” sabi nito.

Sasagupain ng Pilipinas ang Hong Kong ganap na alas-6 ng gabi sa JAR Stadium. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.