Pinay DH absuwelto sa pagnanakaw

Inabsuwelto ng Singapore Higher Court, ang isang Filipina domestic helper na unang inakusahan ng kanyang lalaking employer na nagnakaw diumano ng may $8,000 sa kanyang bank account.
Unang hinatulan ng guilty sa kasong theft ang hindi pinangalang Pinay, at pinatawan ng isang taong pagkabilanggo dahil sa 10 bilang ng theft na kanya umanong ginawa noong Enero at Pebrero 2017.

Pero giit ng Pinay, may alam ang kanyang lalaking employer, na edad 89, sa withdrawal sa account nito dahil ibinigay sa kanya ang pin number. Hindi rin tinanggi ng Pinay na 8 beses siyang nag-withraw ng $1,000 sa account ng lalaking employer pero ibinabalik niya umano ang $500 dahil $500 lamang ang ipinangako nito na kabayaran sa kanya sa panghihipo at tangkang pangmomolestiya.
Nabatid pa sa lumabas na ulat ng desisyon ng korte na tatlong linggo pa ang nakalipas bago ni-report ng employer ang withdrawal sa kanyang account simula umano ng malaman niya ito, kaya mahirap paniwalaan na hindi nito alam ang ginawang withrawal ng Pinay.
Kinilala ang abogado ng Pinay na sina Atty. Suang Wijaya at Syazana Yahya ng Eugene Thuraisingam LLP, na nagbigay ng serbisyong pro bono. (Juliet de Loza-Cudia)