Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinay DH binugbog! Singaporean boss 6 buwan kulong

0 259

Hinatulan ng 6 na buwang pagkakulong ang isang Singaporean na nambugbog umano sa Pinay domestic helper.

Sa loob ng limang taon ng pagsisilbi sa amo nakaranas umano ng pang-aabuso ang Pinay overseas Filipino worker na kinilalang si Zeny Aquino Landingin, 48-anyos, sa pamamagitan ng pagsampal at pananakit sa kanya gamit ang sapatos, sandok, at iba pang kasangkapan.

Una umanong tumanggi ang 54-anyos na si Tan Bee Kim sa kaso ngunit kalaunan ay naghain din ng guilty plea at nakatakdang magsimula sa kanyang sintensya sa Oktubre 30, ayon sa South Chine Morning Post.

Simula Setyembre 2012 hanggang Marso 2018 ay nagtrabaho umano si Landingin kay Tan, nilista rin nito ang mga naranasang pang-abuso bilang maging ebidensya laban sa dating employer, na kanyang tiniis para umano sa kita nito na ipapadala sa pamilya sa Pilipinas.

Leave A Reply

Your email address will not be published.