Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinay galing UK nag-uwi ng virus sa Bontoc

0 187

Lumalabas na isang Pinay na naninirahan na sa United Kingdom ang nag-uwi ng COVID-19 variant nito sa kanilang bayan sa Bontoc, Mountain Province na naging dahilan para i-lockdown ang ilang barangay doon.

Ayon kay Bontoc Mayor Franklin Odsey, dumating ang Pinay sa Bontoc noong Disyembre 11, 2020 para bisitahin ang mga kaanak.

SM food to go Banner Ad

“They have undergone the test [RT-PCR] and negative nga kaya na-allow sila. It was only when they arrived in our place that it was found out that meron pala silang ano, virus,” pahayag ni Odsey sa panayam sa radyo nitong Sabado.

Nabatid sa alkalde na nagpositibo umano ito noong Disyembre 18, 2020 kaya na-confine sa ospital sa kanilang bayan subalit pinalabas na rin matapos ang 14 araw na quarantine at sa ngayon aniya patuloy pang sumasailalim sa home quarantine para hintayin ang resulta ng COVID-test sa kanya.

Nasa 12 kaso aniya ng nahawa sa COVID-19 ang natukoy na ng Department of Health (DOH) sa Bontoc kung saan dalawa rito ang mga bata na edad lima at anim na taong gulang. May dalawang senior citizen din pero nakalabas na ng ospital ang isa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.