Abante Tonite Interactive

Pinay gang rape victim sa UAE nagpasaklolo

526

Humihingi ng saklolo sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang isang Pinay na biktima diumano ng gang rape sa United Arab Emirates (UAE).

Ipinabatid ng biktima ang sinapit niya sa pamamagitan ng mensaheng ipinarating sa Twitter account ni DFA Secretary Teodoro ­‘Teddy Boy’ Locsin Jr.

Sinabi ng biktima na gumamit ng Twitter username na ‘Maya’, ini-report niya sa mga pulis ang nangyari sa kanya pero sinampahan umano siya ng kaso ng mga suspek kung kaya’t siya pa ang nakakulong ngayon.

Binigyan umano siya ng abogado pero hindi naman ito dumating nang humarap siya sa korte kahit pinatawag na ng hukom.

“He (abogado) was just outside drinking coffee (within the bldg). He just told me to listen carefully (?!?!). I am in a desperate situation and at the risk of my privacy, I am contacting you. I can give my details in a private message,” sabi ni Maya.

Agad namang ­ipinag-utos ni Locsin na saklolohan si Maya at iuwi ito sa bansa sa lalong madaling panahon.