Abante Tonite Interactive

Pinay golfer Pagdanganan pasiklab sa US

By ,
1,255

Nagpasiklab ang Pinay golfer na si Bianca Pagdanganan nang tulungan ang University of Arizona na masungkit ang unang titulo sa US NCAA women’s Division 1 Golf Championship kontra University of Alabama sa Karsteen Creek Golf Club sa Stillwater, Oklahoma.

Si Haley Moore ang nagbigay ng winning shot sa 19th hole para maipanalo ang laro kontra Abe at Alabama. Ito ang unang titulo ng Arizona sa loob ng halos 18 taon.

Natalo man ang tubong Quezon City na si Pagdanganan sa Cheyenne Knight, 4 and 2 sa finals, isa siya mga dahilan kung bakit nagawa ng Wildcats na makaalagwa hanggang dulo.

Unang naglaro para sa Gonzaga University si Pagdanganan sa loob ng dalawang taon matapos nito ay lumipat sa Arizona kung saan siya ang nanguna para pataubin ang top-seeded UCLA.

Gumawa rin ng ingay ang Pinay golfer nang tulungan nito ang Arizona na makapasok sa semis sa kauna-unahang pagkakataon kung saan pinabagsak nila ang Standford.