Abante Tonite Interactive

Pinay kinatay sa Saudi, suspek nahuli

By
1,677

Iniimbestigahan na ng Department of Fo­reign Affairs (DFA) at ng mga awtoridad sa Jeddah, Saudi Arabia ang pagkakatagpo sa bangkay ng isang overseas Filipino worker (OFW) na pinasasaksak sa loob ng kanyang sasakyan nitong Lunes.

Sa report ng DFA, nakilala ang Pinay na si Nasser Musa, 53-anyos, tubong-Lanao del Sur.

Ayon kay Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate sa Jeddah, agad naaresto at nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang suspek na isang dayuhan sa nasabing lugar pero hindi muna pinangalanan.

Sinabi ni Badajos na nagpadala rin agad ng case officer sa lugar at nalaman na nagtamo ng limang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang naturang OFW.

Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad sa Saudi Arabia hinggil sa kaso at inaasikaso na rin ang pag-uwi sa Pilipinas ng mga labi ng biktima.