Abante Tonite Interactive

Pinay na ginahasa ng amo sa Riyadh humingi ng katarungan

462

Humihingi ng hustisya ang isang overseas Filipino worker (OFW) na umano’ y biktima ng panggagahasa ng kanyang among Arabo sa Riyadh, Saudi Arabia.

Kahapon dumating ang Pinay sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA ) Terminal 1, Pasay City na kung saan humingi ng tulong sa mga mamamahayag na naroroon na nagkokober.

Si Mariel (hindi na binanggit ang pangalan), isang OFW mula Riyadh na dumating kahapon ng alas-10:00 nang umaga sa NAIA Terminal 1 sakay ng Golf Air Flight GF154 mula Bahrain at isang taon nang nagtrabaho bilang domestic helper sa amo niyang Arabo sa Riyadh.

Halos maiyak si Mariel, 32-anyos na tubong Isabela, may ka-live in at may tatlong anak nang isalaysay nito ang naging mapait na karanasan kung saan makailang ulit siyang pinagsamantalahan ng kanyang among Arabo.

Aniya, nakauwi lamang siya nang humingi na siya ng tulong sa kanyang agency at sinabihan pa siya ng agency niya na huwag magsumbong sa tanggapan ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) kundi umano ay makakalaban niya ito. (Armida Rico)