Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinay naka-2 ginto sa world dancefest

0 283

Hindi napigilan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) restriction si Rydel Rowella Pat upang makadaklot ng dalawang medalyang gintong medalya sa One World Online Dance Competition noong Sabado ng gabi, Hunyo 27.

Nagladlad ng husay ang 17-anyos at incoming Grade 12 sa University of Cebu sa Solo Chacha at Jive event para talunin ang tatlong iba pang kasaling bansa sa inorganisa ng Italy-based na dancefest para mapanatili ang mga kabataan na may pinagkakaabalahan sa panahon ng coronavirus pandemic.

“Matagal na po akong nagko-compete pero first time po sa solo category tapos online competition pa. Nakapag-Batang Pinoy saka CVIRAA po ako at thankfully nakakakuha rin naman po ako ng medal dito,” sabi ni Pat, na umiskor ng 22.166 sa Under 21 Ladies Standard Cha Cha Cha at 24.082 puntos sa Standard Jive upang manaig sa mga karibal sa USA at Europe. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.