Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinay naka-4 gold sa para dance sport

0 65

Giniyahan ni Edelyn De Asis ang Philippine para dance sports team na humakot ng pitong gold, apat na silver at limang bronze medal Philippine sa 2021 Polish Open Qualifying Round sa Lomianki, Poland nitong Oct. 8-10.

Sumungkit si De Asis ng apat na gold sa solo women class 2, junior class 1-2, solo women class 2 freestyle at sa duo freestyle class 2 katambal si Julius Jun Obero upang iabante ang PH squad sa Para Dancesports World Championship sa Nobyembre sa South Korea.

Namayagpag pa si Obrero sa combi Latin class 2 at sa freestyle combi class 2 kasangga si Rhea Marquez. Gold winner din sina Jhona Pena at Joey Maglasang sa duo standard class 2.

Pumangalawa pa si De Asis sa combi Latin class 2 kasama si Shaquille Hanz Basan habang sumegundo rin si Obero sa solo men’s class 2, at sina Christian Apolinario at Jhistine Glyde Baguio sa combi Latin class 1, at sina Pena at Filemon Baguio II sa freestyle combi class 2.

Tumersera naman si Anne Charlaine Santos sa duo Latin class 2 at duo freestyle class 2 kasama si Apolinario, solo women class 2, solo women class 2 freestyle, combi Latin class 2, at freestyle combi class 2 katuwang si Jed Villaruel. Pati sina Apolinario at Maglasang sa solo men’s class 2 freestyle.(Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.