Abante Tonite Interactive

Pinay nameke ng diploma, kalaboso sa Singapore

600

Bagsak sa kulungan ang isang 38-anyos na Pinay matapos mabisto ang pagsisinunga­ling na nakatapos siya sa isang unibersidad sa Maynila para magkaroon ng permanent residency sa Singapore.

Batay sa ulat ng The Straits Times, inaresto ang Pinay na kinila­lang si Noriza Dancel De Luna noong Oktub­re 25, 2017 matapos madiskubre ng Immigration and Checkpoints Authority (ICA) na wala itong record sa Centro Escolar University kung saan sinabi niyang nag-aral siya.

Nabatid na ng isinu­mite niyang dip­loma at transcript sa ICA ay hindi umano nagmula sa nabanggit na unibersidad.

Ganito rin diumano ang ginawang diskarte ng Pinay nang mag-apply siya ng permanent residency para naman sa kanyang anak noong 2009.

Bunsod nito, hina­tulang makulong si De Luna ng pitong linggo sa Singapore. (Issa Santiago)