Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinay nilamog ng Chinese

0 820

Kalaboso ang isang Chinese national sa Makati City nang bugbugin nito ang live-in partner na Pinay na tumangging makipag-sex sa kanya.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Their Children ang suspek na si Chen Hui Guo, 29-anyos at residente ng Brgy. Bel Air.

Namamaga ang mukha at may mga galos at pasa pa ang katawan ng biktimang si Criselda Faraon, 22, nang magtugo siya sa tanggapan ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Makati City Police para ireklamo ang suspek.

Sa salaysay ni Faraon, nagpapahinga siya sa kanilang silid alas-2:30 kamakalawa ng hapon nang lapitan siya ng suspek para makipagtalik pero dahil sa hindi maayos na pakiramdam tumanggi siya sa gusto ng suspek kaya nagalit ito at binugbog umano siya.

Matapos makapaghain ng reklamo, sinamahan ng mga awtoridad ang biktima sa lugar at inaresto ang suspek. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.