Abante Tonite Interactive

Pinay nurse sa US, inaresto sa kidnapping, trespassing

0 307

Dinakip ang isang Filipina nurse sa California, USA dahil sa reklamong kidnapping at trespassing.

Batay sa ulat ng ilang international media outlet, tinangkang dukutin ni Aileen Caringal, 56, ang isang 4-anyos na batang lalaki.

Sinabi ng Vacaville police, nagpanggap na guro ang Pinay nurse sa Cooper Elementary School at kinuha ang bata na paulit-ulit umano nitong tinatawag na “Brian”.

Kinompronta ng ama ng bata si Caringal at nabawi ang kanyang anak.

Nagtatakbo ang Pinay kung saan naaresto kalaunan sa kaniyang bahay sa Vacaville.

Ayon sa kaniyang dating asawa na si Arthur sa KTXL-TV, mayroong problema sa pag-iisip si Aileen at hindi umiinom ng gamot.

“She’s a very good person. It just happened that not medicating, not going to the therapist, it leads to this tragic example,” sabi ni Arthur sa KTXL-TV.

Nasa kustodiya na ng Solano County Jail si Aileen.

Nahaharap sa reklamong kidnapping at trespassing ang suspek. (IS)