Abante Tonite Interactive

Pinay, pasok sa ‘X Factor UK’

By
13

WALEY: Tatlong taon na since nagpaalam sa ere ang No. 1 na original Pinoy talent show na namayagpag noong panahon nito — ang Talentadong Pinoy.

Gayunpaman, ang isa sa Grand Finalists nito noong huling season na si Ryan Agoncillo pa ang host — si Ivy Grace Paredes o kilala bilang si Ayegee o si Budang ng Malaybalay, Bukidnon ay pinabilib ang judges ng The X Factor UK at binigyan ng unanimous YES ng apat na hurado.

Sabi ni Simon Cowell sa performance ng 33 y/o Pinay, “It was incredible!”

Ang sabi ni Ayegee, “Last year I was browsing the internet because I only watch X Factor on YouTube because I don’t have television.

“I watched 4th Impact, a group of four Filipino sisters. When I watched them I got really inspired that if they can make it, I can make it too.”

Dagdag ni Ayegee na nanay ng isang bagets na naiwan sa ‘Pinas, “I’m not getting any younger, but I can still be on stage which is why I am here on The X Factor. If I get the four yeses today, I go crazy, I want this.”

Kinanta ni Ayegee ang hit song ni Whitney Houston na All The Man That I Need.

“She just sang our fa­ces off, pretty much, that’s what happened,” sabi ni judge Nicole Scherzinger.

“Everybody comes in here and says they want it so bad but that is called wanting it and fighting for it.”

Nang tanungin siya ni Simon kung bakit kinailangan pa niyang dumayo sa London para sumali sa kumpetisyon, ang sabi ni Ayegee, “For me, I believe this is the biggest competition and I want to be a part of it. X Factor can give me the stepping stones I need to do good in the future because this is all for my daughter.”

With four yeses, malaki ang tsansa na mapasama si Ayegee sa bootcamp.

***

Charo Santos
Charo Santos

HAVEY: Hanggang end of September ang eligibility ng mga pelikula in consideration para i-submit bilang official entry natin to the Oscars (Aca­demy Awards).

Pagkatapos ng pagwawagi natin ng top prize na Golden Lion Award sa Venice Film Festival (ang oldest international filmfest), may ideya ang ilang filmmakers at producers to ride on the rockstar treatment and high regard kay Lav Diaz sa natu­rang festival at ihabol ang Ang Babaeng Humayo bilang Philippine entry sa Oscars.

May short list na ang Film Academy of the Philippines at kasama roon ang Ma Rosa ni Brillante Mendoza at Hele sa Hiwagang Hapis ni Lav Diaz.

May mga nagwiwishful thinking na sana ipalabas na agad ang Ang Babaeng Humayo bago matapos ang buwan imbes na hintayin pa ang Metro Manila Film Festival para sa commercial showing nito para mai-consider na finally para maging Oscar entry.

Maraming ibang direktor at producers ang sang-ayon sa proposal na ito at kusa na silang nag-withdraw ng kanilang mga pelikula in consideration to give way to either Lav or Brilliante para llmado na raw tayo at may hype at initial edge na kung tutuusin after nilang manalo sa prestigious international film festivals.

Tulad ng nasabi pa ng isang international critic, mas may chance na manalo si Lav at kahit si Ma’am Charo Santos kung mag-Oscars ito.

Ano sa tingin ninyo, kakagatin kaya ang option na ito ng Cinema One at ng Cine Olivia na producers ng Venice Best Film?

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.