Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinay wagi sa ‘The Voice Kids UK’

0 72

Tinanghal na grand champion sa ‘The Voice Kids 2020’ sa United Kingdom ang isang Filipina singer.

Nilampaso ng 13-anyos na si Justine Afante ang tatlo pang finalist kabilang ang kapwa niya Pinay na si Victoria Alsina, 7.

Pambala niya sa finals performance ang sariling rendition ng “Listen” ni Beyonce noong August 30 (araw sa Pilipinas).

Nakatanggap siya ng standing ovation sa lahat ng judge ng kompetisyon.

Maliban sa pagiging ‘The Voice Kids’ grand winner, naibulsa ni Justine ang tumataginting na £30,000 o P1.9 milyon at isang ultimate VIP theme park experience sa Universal Orlando Resort.

Nakapasok sa finals ang batang singer sa pamamagitan ng pagbirit niya ng ‘One Moment In Time’ ni Whitney Houston sa semifinals.

Leave A Reply

Your email address will not be published.