Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pinay yaya tinodas 3-anyos anak ng US army

0 59

Pinosasan ang isang Pilipina sa South Korea matapos umano nitong patayin ang alaga niyang 3-anyos na anak ng isang United States Forces in Korea (USFK) military official.

Ayon sa ulat ng Korean Times, inatasan ng USFK official ang Pinay na alagaan ang dalawa niyang anak, na edad 3 at 11.

Sa report, napatay ng yaya sa bugbog ang musmos pasado alas- 7:00 ng umaga nitong Linggo, Setyembre 5. Hindi naman niya sinaktan ang nakatatandang kapatid ng biktima.

Nangyari umano ang insidente sa kuwarto ng suspek sa isang bar kung saan siya nagtatrabaho sa Pyeongtaek.

Katuwiran ng Pinay, pinatay niya ang kanyang alaga dahil sinapian daw ito ng masamang espiritu kaya ipinadala niya sa langit ang bata.

Nakatakdang imbestigahan ng kapulisan ang mental history ng yaya. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.