Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pineda nangamote kay Santiago

0 125

Aminado si Shiela Marie ‘Bang’ Pineda ng Sta. Lucia na nahirapan siya at maging ang mga tropa na depensahan ang mga pamatay na mga atake ni Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ng bagong koronang kampeong Chery Tiggo sa katatapos na Premier Volleyball League 2021 Bubble Open Conference sa Bacarra, Ilocos Norte.

Ayon sa veteran libero ng Lady Realtors Martes, nangapa silang basahin ang mga atake ng Conference at Finals Most Valuable Player dahil na rin sa taglay nitong tangkad, lakas at tiyempo sa mga birada sa PCV Socio-Civic & Cultural Center .

“Jaja is Jaja,” saad ni Pineda, 30, may taas na 5-6, sa ‘The Game’ ng One Sports. “Like, kahit anong i-set mo sa kanya a-adjust siya. May height, power siya, may timing pa, parang nasa kanya na ang lahat.”

Related Posts

“So, kapag naka-timingan pa siya lalo sa set, mas mahirap talagang basahin kung saan babagsak ang bola,” hirit pa ng former Adamson Lady Falcon sa 2nd Best Middle Blocker.

Pumanlima ang Robles franchise sa unang pro women’s indoor volleyfest na ginanap nitong July 17-August 13. Pahinga muna ang liga at ang mga koponan. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.