Abante Tonite Interactive

Ping banas kay Locsin: ‘Pag Pinoy nambastos sa China kulong agad

By
257

Hindi katanggap-tanggap para kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang pahayag ni Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin na trivial lamang at hindi na dapat palakihin ang isyu sa babaeng Chinese na nambuhos ng taho sa isang pulis sa Metro Rail Transit.

“Ang sampal sa atin diyan kawawa na nga tayo meron pang mangyayaring ganyan lalong naha-highlight na kawawa tayo. Bilang Filipino, magkaisa tayo maliit lang kaming bansa mahirap lang kami. Huwag niyo naman kaming apihin na ganyan na parang kayan-kayanan niyo kami,” ani Lacson.

Pabor si Lacson na ideklarang undesirable alien ang Chinese student at ipatapon agad pabalik sa China.

Kapag isang Pilipino aniya ang gumawa ng ganitong eksena sa China ay tiyak na hindi na ito makalalaya pa.