Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping bet ni Ogie Diaz

0 192

NI: Roldan Castro

Kahit mukhang comedian itong si Ogie Diaz, seryoso ‘yan pagdating sa usapin ng kalagayan ng bansa. At kamakailan nga, may nabanggit siya sa isa niyang vlog tungkol sa katangian na “gusto” niya kay Senador Ping Lacson, na tatakbong pangulo.

Bukod sa pagiging talent manager at komedyante, umaariba rin ngayong pandemic si Ogie bilang vlogger o content creator. Meron siyang mga Youtube channel na ang isa ay for interview ng mga personalidad, at ang isa ay showbiz roundup naman.

Winner sa dami ng subscribers ang dalawang channel niya.

Bukod pa diyan ang kaniyang mga social media account, kabilang ang Twitter kung saan mas vocal si Ogie sa paghahayag niya ng political views.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero sa isang vlog niya tungkol sa showbiz, natalakay niya ang pagdepensa ni Iwa Moto sa biyenan nitong si Sen. Ping, na tatakbong presidente sa 2022 elections, at katambal si Senate President Tito Sotto.

Ayon kay Ogie, natural lang na ipagtanggol ni Iwa si Ping dahil biyenan at kilala niya ito. At nang basahin ni Ogie ang sinabi ni Iwa na hindi magnanakaw ang senador, aba’y umayon si Ogie.

Sabi ni Ogie sa kasama niya sa vlog: “Totoo ‘to, hindi siya [Ping] magnanakaw. Kasi alam mo bang hindi tumatanggap si Senador Ping ng pork barrel bilang senador…Magkano rin ‘yon, mga P200 million isang taon.”

Dagdag pa ni Ogie, “Kahit naman ako, gusto ko rin yung integridad ni Senator Ping. Kaya nga naloloka ako kung bakit ‘di niya tinatanggap yung pork barrel.”

Ang pork barrel o priority assitance development fund ay pondo para sa mga kongresista at senador. Pero sapul nang maging mambabatas, hindi tinanggap ni Ping ang kaniyang pork barrel funds dahil pinag-uugatan ito ng katiwalian.

Leave A Reply

Your email address will not be published.