Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping bida, Mandaue kampeon

0 241

Pumukol si Ping Exciminiano ng 15 points, 5 rebounds, 3 streals at 1 assist upang mag-Finals MVP sa pag-angkla sa Mandaue City sa sorpresang pagpapalupasay sa Talisay City, 89-75, upang magkampeon sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 Linggo ng gabi sa Alcantara, Cebu.

Isang 18-1 na nakatutulig na bomba ang pinasabog ng Mandaue para sa 54-44 na bentahe mula sa pitong puntos na pagkakalubog.

Pa-Finals, dalawang beses hindi pinaporma ng Talisay ang Mandaue patungo sa pagwalis sa 10-game two-round eliminations ng torneo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.