Abante Tonite Interactive

Ping bilib sa galing ni Bato

1,106

Bumilib si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson sa magandang performance na ipinakita ni administration bet Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa senatorial debate na inisponsoran ng CNN Philippines nitong Sabado.

Sa kanyang Twitter post, ibinahagi ni Lacson ang matapang at kahanga-ha­ngang abilidad ni dela Rosa para patumbahin ang oppo­sition candidates sa televised debate.

Sa performance na ipinakita ni Bato, hindi na rin aniya kataka-taka kung bakit mataas ang rating nito sa mga pre-election survey.

“Watching Ronald ‘Bato’ de la Rosa single handedly and gamely ta­king on Otso Diretso (minus 2) candidates on a number of issues makes me stop wondering why he consistently ranks high in the senatorial surveys,” saad ni Lacson.

Pasok si Dela Rosa sa Magic 12 ng mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Station at malaki ang tsansa na isa ito sa mananalong kandidato ngayong May 13 midterm elections. (Anne Lorraine Gamo)