Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping bilib sa SMC: Nababoy na Pasig River lilinisin

0 76

Pinasalamatan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang San Miguel Corporation (SMC) at presidente nitong si Ramon S. Ang sa layunin nitong linisin ang Ilog Pasig.

“What many past administrations launched with a big bang, then abandoned with less than a whimper, SMC will turn into reality. Thank you all and God bless RSA,” reaksyon ni Lacson sa ulat hinggil sa Pasig River cleanup ng SMC.

Nakatakdang simulan ng SMC ang clean-up operation sa Pasig River sa Abril at target nitong matanggal sa ilog ang tinatayang 600,000 tonelada ng basura kada taon, sa susunod na limang taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa isang press release nitong Lunes, sinabi ng SMC na makikipagtulungan ito sa Department of Environment and Natural Resources at Department of Public Works and Highways upang malinis ang nabanggit na ilog.

Ani Ang, lumabas sa isang pagsusuri sa ilog na may mga bahagi ito kung saan ang tubig ay may isang metro lamang ang lalim. Ito aniya ang mga ‘most critical portion’ ng ilog na sanhi ng malawakang pagbaha.

“There have been many noteworthy efforts that have been initiated in the past in order to rehabilitate the Pasig river. Unfortunately, it has always been a very costly undertaking. Now that San Miguel has a chance to help, we will give it our all,” pahayag ni Ang. (Eileen Mencias/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.