Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping: Body cam gamitin na sa buy-bust

0 85

Nanawagan si Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa mabilis na proseso para ganap nang magamit ang mga body camera na inilaan para sa mga operatiba ng Philippine National Police (PNP).

Ito’y sa gitna ng panibagong kontrobersiya sa isang anti-drug operation sa Laguna kung saan napatay ang isang 16-anyos na binatilyo na ayon sa mga kaanak ay sadyang pinatay umano subalit ikinatuwiran naman ng mga pulis na nanlaban ito.

“The killing of a minor in a recent PNP drug bust operation and the subsequent ‘he says, she says’ conflicting versions of the story should prod the PNP to fast-track the procurement of more body cameras and require all their personnel deployed in field operations,” ayon kay Lacson

Umaasa rin si Lacson – namuno sa PNP noong 1999 hanggang 2001 – na sa pinakamaagang panahon ay maglalabas ng patakaran ang Korte Suprema sa paggamit ng body camera sa mga operasyon ng pulisya. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.