Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping: Comelec, NPC dapat bantayan ang online vote buying, fake news

0 34

Malaking banta hindi lang sa paparating na Halalan 2022 ngunit maging sa ating demokrasya ang talamak na fake news at pagbili ng boto, ayon kay Partido Reporma standard bearer at presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson.

Sa “Meet the Press” forum ng Partido Reporma, hinikayat ni Lacson ang Commission on Elections (Comelec) at National Privacy Commission (NPC) para solusyonan ang problema sa vote buying na isinasagawa na rin online habang papalapit ang May 9 elections.

“Tama ‘yon. Talagang ‘yung vote-buying threat talaga ‘yan, hindi lamang sa electoral system kundi sa demokrasya na rin, ‘yung long-term effect nito sa demokrasya. Kasi kung hindi, repleksyon na talagang gusto ng mga tao kasi nga panandalian, nabili ‘yung boto, ang mag-su-suffer nito ‘yung bansa natin,” paliwanag ng batikang mambabatas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ito ang dahilan ni Lacson at running mate niya na si Vicente “Tito” Sotto III sa pag-aangat nila ng kaalaman ng mga Pilipinong botante sa kanilang mga kampanya.

Sabi ni Lacson, “Kami, laging dinadala namin ‘yung usapan doon sa mga isyu. Alam mo, makatanggap ka ng isa, dalawang libo, isang araw, dalawang araw sa’yo—panustos mo. Ang dapat matutunan ng mga kababayan natin, ano ang effect sa six years—o three years, in the case of local officials—na epekto sa buhay mo? ‘Yun dapat ang tingnan natin if ever naman mag-iisip tayo ng (iboboto).”

“Kasi, alam mo, desperation ‘yun e. ‘Yung makatanggap ka ng isang libo sa isang araw, nakakalimutan mo na ano ang magiging epekto sa’yo pagdating naman ng anim na taon,” dagdag pa ng dating hepe ng Philippine National Police.

Leave A Reply

Your email address will not be published.