Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping, Grace dinikdik si Parlade sa pag-bully kay Liza

0 537

Ginisa ng mga senador si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. kasunod nang una nitong babala sa actress na si Liza Soberano na baka matulad ang kapalaran ito sa isang estudyante na napatay sa engkwentro sa pagitan ng military at rebeldeng komunista noong 2017.

Sa pagdinig sa Senado, tinanong ni Senadora Grace Poe si Parlade tungkol sa payo nito kay Soberano na putulin nito ang kanyang ugnayan sa Gabriela Youth para hindi matulad kay Josephine Anne Lapira.

Si Lapira ay estudyante ng University of the Philippines-Manila na napaslang noong Nobyembre 2017 na ayon sa militar ay nangyari sa engkuwentro sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Batangas.

Ayon kay Poe, maaring nagpapahayag si Soberano ng suporta sa mga kababaihan at mga bata nang sumali siya sa online seminar sa youth arm ng Gabriela.

SM food to go Banner Ad

Pero giit ni Parlade wala naman umanong sinabi si Sobera na pinagbabataan siya nang magsalita sa naturang forum.

Gayunpaman, sinabi ni Poe kay Parlade na sa halip na magbabala ay nagbigay na lang ito ng general statement na nagbibigay ng opinyon at hindi nangangahulugang isa itong terorista.

Pinuna din ni Senador Panfilo Lacson, pinuno ng komite, si Parlade at sinabihang hindi nito dapat binanggit pa ang kaso ni Paira.

Giit pa ni Lacson, ang dating pahayag ni Parlade ay mistulang pagbabanta kay Soberano. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.