Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping: Gusot sa WPS hindi dapat tumagos sa maayos na kalakalan sa Tsina

0 65

Mahalagang mapanatili pa rin ang maayos na relasyon ng Pilipinas at China, partikular sa aspekto ng kalakalan at pamumuhunan, sa kabila ng pagsusulong ng pagkakaroon ng ‘balance of power’ para depensahan ang ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang paglilinaw ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson kasunod ng makasaysayan niyang pagbisita sa Isla ng Pag-asa sa Kalayaan, Palawan nitong nagdaang Sabado upang patunayang seryoso siya pagprotekta sa soberanya ng Pilipinas.

“Pagdating sa economy, dapat i-maintain natin ‘yung ating trade relations with China. Pero pagdating sa usaping West Philippine Sea, i-invoke natin ‘yung ating—[gaya] ng sinasabi ko—‘yung soberanya at saka ‘yung sovereign rights,” sabi ni Lacson sa panayam ng Radyo Singko, nitong Lunes.

Matatandaang umigting muli ang sigalot sa pagitan ng Pilipinas at Tsina kasunod ng ginawang pag-atake ng Chinese Coast Guard sa mga barkong magdadala ng ayuda sa mga sundalong Pilipino lulan ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Nobyembre 16, 2021.

Kung mauupo bilang pangulo matapos ang Halalan 2022, sinabi ni Lacson na plano niyang bumuo ng mas maayos na pakikipag-ugnayan sa bansang Tsina, ngunit hindi sa puntong maghari-harian ang mga ito sa loob ng malinaw na teritoryo ng Pilipinas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isinusulong din ni Lacson at ng running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang posibilidad na maamyendahan na ang 70-taong Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos upang mapaigting pambansang interes ng maraming bansa kaugnay sa WPS.

Paliwanag ni Lacson, hindi lamang Pilipinas at Tsina ang may interes sa WPS, ngunit maging ang Amerika, iba pang mga bansa sa Europa, at lahat ng mga nakapalibot sa Asya Pasipiko dahil halos nasa 10 o 12 porsyento ng pandaigdigang kalakalan ang dumadaan sa pinag-aagawang karagatan.

“Hindi ko sinasabing pro-US tayo, hindi ko rin sinasabing anti-China tayo, pero alam din naman natin ‘yung foreign policy is always anchored on national interest, ‘di ba? E ano bang national interest natin? Malinaw naman pagdating sa West Philippine Sea, ang national interest natin ma-exercise natin ‘yung sovereign rights doon sa within 200 nautical miles,” paglilinaw ni Lacson.

Suportado ng tambalang Lacson-Sotto ang matagal nang isinusulong na ‘freedom of navigation’ o ‘kalayaan sa paglalayag’ sa WPS ng iba’t ibang mga bansa, alinsunod sa mga panuntunang nakatakda sa United Nations Convention on the Law of the Sea

Mahalagang mapanatili pa rin ang maayos na relasyon ng Pilipinas at China, partikular sa aspekto ng kalakalan at pamumuhunan, sa kabila ng pagsusulong ng pagkakaroon ng ‘balance of power’ para depensahan ang ating teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Leave A Reply

Your email address will not be published.