Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping, Isko, Pacquiao hinati ang showbiz

0 87

ROMMEL PLACENTE: NOON pa napapabalita ang pagtakbo ni Sen.Manny Pacquiao bilang presidente sa darating na 2022 eleksyon. Pero wala pang pagkumpirma mula sa kanya.

Kung sakali man,malakas din ang hatak o laban ng nasabing senador.Unang-una kasi, ay sikat siyang boksingero.Naging pride siya ng Pilipinas nu’ng manalo siya sa mga laban niya sa boxing sa ibang bansa.Naging dahilan ‘yun kaya nanalo siya nang tumakbo siyang congressman sa Gensan at senador sa Pilipunas,di ba?

Pero,mukhang marami siyang makakalaban. Naririnig din namin na tatakbo rin sa pagkapangulo si Manila Mayor Isko Moreno at si Sen.Ping Lacson Parehong malakas din ang hatak ng dalawa sa mga botante Si Yorme kasi ay nagpakitang-gilas sa pagiging leader ng lungsod ng Maynila.Talagang ipinakita niya ang pagmamahal niya sa lungsod na nasasakupan niya.Instant sikat nga si Yorme Isko mula nang maging mayor siya na naging dahilan para kumin pa siyang product endorser .

Si Sen.Ping naman,alam natin kung gaano siya katalino.Kailangan din ng bansa natin ang isang mahusay at may puso na mamumuno. Hindi na kailangang umasa pa sa dikta ng ibang mga tao kung anong dapat gawin para umunlad ang ating bayan.

Totoo nga kaya na tatakbo sina Sen.Manny,Yorme Isko at Sen.Ping sa susunod na eleksyon? Kelan kaya sila magdedeklara?Pare-pareho silang mahal ng showbiz,sino kaya sa kanila ang papanigan?

RODEL FERNANDO: Masyadong maaga pa pero marami na nga ang nagpaparamdam na tatakbo bilang pangulo ng ating bansa. Sa mga politician natin na celebrity din ay matunog ang mga pangalang Manny Pacquiao at Isko Moreno. Pero may mga nagsasabi na masyado pang maaga sa dalawa para tumakbong Presidente. In fainess, may mga record namang maganda ang mga ito sa kanilang posisyon.

Ang nakakaloka lang, posibleng makakalaban din nila ang tandem nina Ping Lacson at Tito Sotto na may mga maganda ring record bilang mga pulitikong tao.

MILDRED BACUD: Long overdue na rin naman daw si Senator Ping Lacson na dapat ay no’n pa naging president. In fairnes maganda naman ang record niya dahil bukod tanging siya lang ang hindi tumanggap ng pork barrel niya sa Senado no’ng 2012. Experience wise sa politics ay no question at matalino.

Tulong naman ang pagiging artista at kilalang personalidad nina Manny Pacquiao at Isko Moreno. Marami na rin naman silang napatunayan. Mayor Isko trends in social media palagi and it helps ganun din si Manny dahil sa pagiging sikat na boxer. Pero sa huli mga ka- Cuatros feeling ko mas magiging wise na ang publiko. Hindi na magiging basehan kung artista o hindi as long na nakikita nilang may magagawa kang pagbabago sa bansa.

ROLDAN CASTRO: Magkakaalaman mga Ka-Cuatros sa October kung sino talaga sa kanila ang tatakbo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang nakikita ko lang ay mahahati ang showbiz pag magsasabong sina Pacquiao, Isko at Ping.

Alam natin na parte ng showbiz sina Pacman at Isko pero hindi rin maalis na nasa industriya rin ang pamilya Lacson dahil kina Jodi Sta Maria, Pampi , Iwa Moto. Ang mga anak ni Senator Ping ay marami ring kaibigang celebrities.

Pag natuloy ang tandem nina Ping at Tito Sotto lalong lalakas ang puwersa nila sa showbiz.

Hindi na rin iba si Senator Ping sa industriyang ito dahil nu’ng year 2000 ay isinapelikula ang buhay niya. Ito’y pinamagatang “Ping Lacson:Super Cop” na pinagbidahan ng yumaong Rudy Fernandez.

Kahit sa mga movie press may konek na rin si Senator Ping. Minsan ay naging presenter pa ito sa Star Awards para sa Best TV Station . Nu’ng 2014 ay naging inducting officer din siya ng Philippine Movie Press Club.

Kung tutuloy si Senator Lacson na tumakbong Pangulo ay may chance siya.

Kahit nga si Isko ay naniniwala na makakatulong sa bansa si Ping.

Sey nga ni Yorme nang tanungin ang opinion niya tungkol sa isyu to be addressed by the next president of the country as stated by Sen. Ping ,

“Tama si Sen. Lacson, dapat talaga ‘yung susunod na presidente may plano patungkol diyan and in fact, kung sino man ang susunod na Presidente, kung ako sa kanila kukunin ko rin si Sen. Lacson dahil alam ko makakatulong siya sa bansa. I hope someday, somehow, kapag mga opisyal nang panahon eh marinig ito ng mga kababayan natin. I agree with Sen. Ping Lacson.”

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.