Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping, Joel kasado sa LP; Nancy, Isko umayaw

0 163

Bukas si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa alok ng Liberal Party na alyasa sa 2022 election.

“As far as the Liberal Party [is concerned], it is work in progress. I guess it’s the scheduling and other factors kaya hindi pa inuupuan [that’s why we can’t sit down on it] – until the 1Sambayan coalition emerged, with public pronouncements that tend to divide rather than unite,” sabi ni Lacson.

Sa panig naman ni Senador Joel Villanueva, bukas rin ang senador sa pakikipag-usap sa iba’t ibang grupo lalo na sa malalaking partido.

“Ito pong coalition talks, para sa ating partido sa CIBAC, hindi lang po ito pre-election ritual na pansamantalang alyansa ang resulta. Sa halip, ito po ay isang dynamic na proseso na tuloy-tuloy at nakabatay na rin sa shared goals and common vision,” ayon kay Villanueva.

Samantala, hindi naman interesado si Senadora Nancy Binay sa ideya na makipag-alyansa sa LP.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa panganay na anak ni dating Vice President Jejomar Binay, may sugat pa ng nakaraan ang kailangan pa umano nilang gamutin sa ngayon.

“May mga sugat na dapat munang gamutin bago kami mag usap tungkol sa 2022,” pahayag ni Binay sa statement.

Maging si Manila Mayor Isko Moreno ay hindi rin tinanggap ang alok na alyansa dahil nakatutok aniya sya sa paglaban sa COVID.

“Fighting Covid, feeding Manilenos, strengthening our economy is my only concern,” ayon kay Moreno. “Wala muna akong ine-entertain na mga political na bagay. All talks of coalition or any political talk is untimely and premature,”giit nito sa alok ng LP. (Dindo Matining/Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.