Abante Tonite Interactive

Ping kay Alan: ‘Wag maglaway sa pork

1,605

Pinaalalahan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson si Taguig-Pateros Congressman Alan Peter Cayetano na magdahan-dahan sa pagsingit ng pork barrel ngayong malapit na ang pagbubukas ng 18th Congress.

“Hindi naman puwedeng porke’t dating senador magiging Speaker, e larga na rin kami kung may insertions na papa­yagan,” pahayag ni Lacson sa panayam ng mga reporter kahapon.

Binigyang-diin ni Lacson ang pagkaantala ng pagpasa ng national budget ngayong taon ay dahil sa diumano’y pagsingit ng pork barrel ng Kamara kahit naratipikahan na ito.

“Ang sa akin, ang bottom line huwag nila mas­yadong damihan ang pork barrel nila. Or huwag naman masyadong sobra kasi ma-o-obvious,” ani Lacson.
Nauna rito, inindorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano bilang susunod na House Spea­ker subalit makikihati sa termino si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ganunpaman, sinabi ni Lacson na hindi magiging madali ang pagpasa ng susunod na natio­nal budget kahit na si Cayetano pa ang susunod na House Speaker.

“Let’s see. Kasi maski Speaker siya (Caye­tano), isa lang naman siyang congressman. E papaano kung ang iba hindi maawat at mag-insert din,” ani Lacson.

“Remember nang namimili sila ng Speaker may narinig tayo may P200M per congressman. P200M per congressman, if you are coun­ting 300 congressmen or you do your math magkano na ‘yan sa pork pa lang? Napakalaki,” dagdag pa nito. (Dindo ­Matining)