Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping kay Digong: Mga cong komprontahin sa korapsyon

0 80

Iminungkahi ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson na sa halip basahin ang listahan ng mga sangkot sa korapsyon ay komprontahin din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas at diretsahang tanungin kung nakagawa sila ng katiwalian.

Sinabi ito ni Lacson matapos isapubliko ng Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan ang mga kongresista na sangkot umano sa korapsyon base sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).

Mariin namang tumanggi sa paratang ng korapsyon ang mga binanggit na mambabatas.

SM food to go Banner Ad

“Next time, perhaps the president should ask a simple question while looking them straight in the eyes: Cong, may ‘komisyon’ ka ba o wala?” tweet ni Lacson.

Samantala, pinarerepaso ni House Majority Leader Martin Romualdez sa Department of Justice (DOJ) ang isinumiteng report ng PACC hinggil sa mga opisyal ng pamahalaan kabilang ang ilang kongresista na dawit umano sa katiwalian.

“In line with the President’s directive, it is now the duty of the DOJ to give the legislators named in the PACC list the proper forum to face their accusers and defend themselves,” ayon kay Romualdez. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.