Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping kay Digong: Presidential bet na adik sa cocaine patiktikan

0 61

Mas mainam umano kung pamamanmanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinasabing nitong presidential candidate na diumano’y ‘cocaine-user’.

Sa panayam sa CNN Philippines, sinabi ni presidential aspirant Senador Panfilo Lacson na maaaring namang utusan ni Duterte ang Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng intelligence operation at magbuo ng sapat na impormasyon tungkol sa sinasabing drug user na kandidato sa pagka-pangulo sa eleksiyon 2022.

“I don’t know gaano kalawak ‘yung access o gaano ka-accurate ‘yung information. But the better approach should have been to keep it under wraps and launch an intelligence operation, which could lead to a law enforcement operation,” sabi ni Lacson, dating hepe ng PNP bago naging senador.

SM food to go Banner Ad

“Eh ‘di nahuli mo sana sa akto o kaya nahuli mo ‘yung pinagbibintangan mo instead of just telegraphing ‘yung possible action na gagawin ng gobyerno,” dagdag nito.

Dahil pinasaringan na umano ng pangulo, tiyak umanong mag-iingat na ang kandidatong inaakusahan nitong gumagamit ng ilegal na droga. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.