Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping: Maraming pinahirapan sa martial law

0 125

Hindi naniniwala si independent presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson na Marcos loyalist ang 50 porsiyento ng mga Pilipino.

“I cannot believe for the life of me that there are more than 50 percent loyalists in this country. Marcos loyalists for that matter,” pahayag ni Lacson sa isang joint press conference ng mga kapwa niya presidential candidate.

“I have yet to be convinced. I cannot yet figure out na (that) more than 50 percent of Filipinos are Marcos loyalists. I don’t know. I don’t know about you but that’s me. That’s my opinion,” dagdag pa niya.

Ayon kay Lacson, malabong maging kalahati ng mga Pinoy ay mga Marcos loyalist lalo na’t marami pa rin ang nagdusa dahil sa epekto ng martial law.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I cannot yet figure out na more 50 percent of Filipinos are Marcos loyalists. I don’t know. Kasi nandiyan pa rin `yong sakit ng martial law, hindi ba? And we often hear from our people, na especially `yong hindi pa nakoo-compensate, ‘di ba,” ani Lacson.

“Sinabi ko lang ito because nag-occur lang sa akin, ako ‘yong sponsor ng budget ng CHR (Commission on Human Rights) including ‘yong compensation for the human rights victims. Hindi pa naman lahat nako-compensate e,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Lacson, maaring mataas ang puntos ni Marcos sa mga survey dahil ilan sa kanila ay sadyang ayaw lang talaga kay Vice President Leni Robredo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.