Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping, Martin nauna sa virus bakuna – Sotto

0 101

Binuking ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na nauna nang nagpabakuna si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kontra COVID-19.

Inihayag ito ni Sotto matapos matanong kung hand aba siya na unang magpabakuna sakaling ilabas na ang gamot laban sa naturang sakit.

“Meron ngang ganun eh. Si Senator Lacson ang tapang, immunized na `yan eh. Nagpa-injection na `yon eh,” ani Sotto sa panayam sa radyo.

Bukod kay Lacson, ibinunyag din ni Sotto na nagpabakuna na rin si House Majority Leader Martin Romualdez.

SM food to go Banner Ad

“Nauna na `yon, matapang `yon eh, tsaka si Martin Romualdez,” aniya pa.

Hindi naman batid ni Sotto kung anong bakuna ang ginamit ng dalawa. Subalit sinabi nito na posibleng ang bakuna posibleng ang bakunang mula sa pharmaceutical firm na Pfizer ang ginamit ng dalawang mambabatas.

Sa tanong kung may side effect na napapansin kay Lacson, sinabi ni Sotto na sa ngayon wala naman aniyang nararamdaman ang kapwa mambabatas.

“Wala, he’s now like he’s 30 years old eh. Tapos tawag dito, bihira na nga mag-mask eh. Dati nakita mo `yon naka-mask, naka-face shield, `di ba? Ngayon `pag nakaupo lang dun, wala nang mask eh,”pahayag ni Sotto.

Hindi pa kinukumpirma ni Lacson kung totoo ang kuwento ni Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.