Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping may hugot sa mga supporter ni Trump

0 102

Kung may natutunan mang aral mula sa mga supporter ni President Donald Trump na sumugod sa US Capitol bilang tugon sa resulta ng halalan doon, ito’y hindi dapat bumuto ang publiko para sa kabaliwan, ayon kay Senador Ping Lacson.

“Lesson learned from the mob attack on the US Capitol Hill: DO NOT VOTE FOR INSANITY,” Twitter post ni Lacson.

SM food to go Banner Ad

Sumugod ang mga tagasunod ni Trump sa Capitol noong Huwebes sa paniniwalang nagkaroon ng dayaan sa presidential election kung saan natalo siya kay Joe Biden.

“The irony of all ironies is now unfolding in the premises of the US capitol building where democracy is put to shame in the world’s greatest democracy,” sabi pa ni Lacson.

Ayon kay Washington Metropolitan Police Chief Robert Contee, gumamit ang mga nagprotesta ng kemikal para atakihin ang mga pulis na nagresulta sa pagkasugat ng ilang police officer. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.