Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping may pangako sa showbiz press

0 105

NI: ROLDAN CASTRO

Maraming showbiz friends natin ang bumilib dito kay Presidentiable Ping Lacson sa speech niya nang kilalanin siyang Outstanding Public Servant sa Star Awards 2021.

Mga miyembro ng The Philippine Movie Press Club Inc. ang namamahala sa taunang Star Awards. Ito ay kumikilala sa husay ng mga nasa entertainment industry, at pati na ang mga natatanging public servant tulad nga ni Lacson.

Hindi kataka-taka na mabigyan si Ping ng naturang pagkilala dahil tapat siya sa pagtupad ng kaniyang tungkulin sa 40 years niya sa public service. At huwag kalimutan na mula nang maging senador siya eh hindi tumanggap ng kontrobersiyal na pork barrel funds.

Maraming showbiz press ang gusto ang ugali ni Sen Ping dahil hindi siya echoserong politiko. Hindi ka niya bobolahin.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Napatanong nga ang ilang nakapanood ng acceptance speech niya at napaisip kung may binabasa daw ba ang senador dahil tuloy-tuloy at walang buckel ang pagsasalita niya kaya feel mong galing sa puso ang sinasabi niya.

Kahit noong mainterview siya ng movie press para sa pelikulang “10,000 Hours,” na inspired sa buhay niya, aminado si Sen. Ping na ang nakikita lang niyang koneksiyon niya sa showbiz industry noon ay pagkakaroon ng tatlong movie na tungkol sa kaniya.

Pero alam niya kung gaano kahalaga ang industriya ng entertainment sa lipunan. Hindi lang ito sa pagbibigay ng kasiyahan sa mga tao, kundi nagsasalamin din sa reality.

Pangako ni Sen Ping sa showbiz press, patuloy niyang gagawin ang prinsipyo niya na “leadership by example.” Ibig sabihin, kung ayaw mong maging kurap ang mga opisyal mo, dapat hindi rin dapat kurap ang lider.

Ipagpapatuloy rin niya ang kaniyang motto na bitbit niya ngayong tumatakbo siyang pangulo sa May 2022 election: “Ang tama, ipaglaban. Ang mali, labanan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.