Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping: Mga bata ni Velasco brinaso 2021 budget

0 228

Isiniwalat ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na hindi umano raratipikan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pinal na bersiyon ng panukalang P4.5 trillion national budget para sa 2021 kung hindi tinanggap ang P28 bilyong dagdag pondo para sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

“I would like to think that way na mas marami ‘yong na-adopt dun sa House contingent kasi ang cinite na reason ni [finance committee chair] Senator (Sonny) Angara…masa-sacrifice ‘yong buong budget kung hindi niya pagbibigyan ‘yong House contingent,” pahayag ni Lacson sa online interview.

“…implying na baka hindi approve-an o baka hindi i-ratify ng House ‘yong version kung saan hindi madadagdagan ‘yong kanilang realignment, insertions ng P28 billion, at least sa DPWH. So ‘yon nga ‘yong nakakalungkot,” dagdag pa nito.

Nauna nang binasura ni Lacson ang bicameral conference committee report sa panukalang 2021 national budget matapos kuwestiyonin ang P28 bilyong dagdag pondo sa DPWH kahit may record ito sa mababang paggastos.

Naniniwala si Lacson na mas binigyan ng prayoridad ang mga personal na infrastructure project ng mga kongresista.

Una na ring pinuna ni Lacson ang aniya’y paglobo ng pondo sa mga infrastructure project ng mga kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco sa ilalim ng panukalang budget para sa 2021. Kapansin-pansin aniya ito sa mga kongresistang malapit kay Velasco. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.