Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping nabuking diskarte ng Pharmally supplier sa tax

0 128

Nadiskubre sa masusing pagtatanong ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang naging diskarte ng isang supplier ng Pharmally Pharmaceutical Corporation kaugnay sa kinakailangan nitong bayarang buwis sa pamahalaan.

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, kinuwestiyon ng senador ang Tigerphil Marketing Corporation kung paanong kumita ito ng P21.51 milyon sa mga binentang medical supply sa Pharmally noong 2022 samantalang batay umano sa audited financial statement nito noong nakaraang taon ay nagdeklara lamang ng kita na P3.479 milyon ang naturang kompanya.

Sa Tigerphil galing ang mga face mask na dineliber ng Pharmally sa pamahalaan.

Inamin ni Tigerphil president Albert Sy na binayaran nila ang P553,886.88 ng amended tax return nitong nakaraang araw lamang kung kaya’t lumalabas na saka pa lamang nito inayos ang obligasyon sa buwis nang magsimula nang magpatawag ng pagdinig ang Senado.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito, sinabi ni Lacson na patunay ito na malaking bagay pa rin ang pag-iimbestiga ng Kongreso.

“If the Blue Ribbon Committee did not conduct the hearing, would you pay the amended tax returns?” sabi ni Lacson.

“Maski papano, nagbayad. So hindi totoong walang nangyayari sa pagdinig nating ito,” dagdag pa ng senador.

Leave A Reply

Your email address will not be published.