Abante Tonite Interactive

Ping nanalo sa jack en poy kay Gringo

0 999

Pansamantalang nagpahi­nga ang tatlong senador sa usapin ng maiinit na isyu ng bansa, para maglaro ng jack en poy.

Natalo ni Senador Ping Lacson si Senador Gringo Honasan, na ngayon ay kalihim na ng Department of Information and Communications Technology, sa isang duwelo ng klasikong laro, sa iskor na 2-1.

Sa video ni Lacson sa kanyang Instagram, na kuha sa isang salo-salo para sa Se­nate media, kitang nag-ala-referee pa si Senate President Tito Sotto para sa laban ng dalawa.

“Jack-en-Poy kasama si Mistah at kapwa ‘Macho Bloc’ member @gringo_honasan, sa isang salu-salo para sa Senate media. Si SP @helenstito ang referee! #Machonurin,” sabi ni Lacson sa kanyang caption.