Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping nasa puso ng mga taga-Baguio

0 217

Sa mga ganitong buwan, napakasarap na mag-road trip sa Baguio City, tapos makipagkuwentuhan kasama ng pamilya at kaibigan, o kaya kumain ng mga pagkain na may natatanging lasa na sa lungsod mo lang matitikman (dahil siguro sagana sila doon sa rekado, hmmm.)

Ito talaga ang tatlong dahilan kung bakit gusto kong magpunta dito e: una, nasusubok ang pangmalakasang driving skill ko sa pa-zigzag at pataas na kalsada; pangalawa, ang daming kainan na puwede mong pagpilian; at pangatlo ang babait ng taxi driver tapos nagbibigay ng sukli.

Pero may pang-apat na dahilan na ako ngayon: ang daming supporter ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo ‘Ping’ Lacson sa Baguio City. As in, mga tahimik sila pero ramdam mo ang puso nila sa pagkampanya para sa adbokasiya ng pambato nila sa pagkapangulo.

Kaya nga raw sila tinawag na BRAVE Movers kasi galing sa Budget Reform Advocacy for Village Empowerment (BRAVE) program ni Lacson na matagal na niyang isinusulong sa Senado pero tila maraming umaayaw dahil ewan, ayaw kaya nila na mabigyan ng kapangyarihan ang mga local government units?

Sa programa kasi na ‘to, mas may werpa ang mga LGU na magpatupad ng kanilang sariling mga proyekto, hindi na kailangan ‘mamalimos’ ang mga mayor sa national government para sa pondo dahil maibababa na ito sa kanila.

Kuwento ng kaibigan ko nitong nakaraang araw nang bumisita ako sa Baguio, dahil raw sa BRAVE program e mas bumilib sila kay Lacson, kasi siya lang ang nakakita ng ganitong solusyon.

Andun nga raw siya kasama ng iba pang BRAVE Movers nang dumalaw sa isang event sa Baguio City si Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Talagang nakita raw nila kay Lacson ang pagiging tunay na lider, at kayang-kaya niya na mapag-isa ang iba’t ibang uri ng Pilipino kasi ganito ang nangyari sa kanila sa BRAVE Movers. Mga hindi sila magkakakilala nang personal pero naging brotherhood ang samahan nila dahil kay Ping.

At napasok na rin, napanood ko sa social media ang pagsayaw ng ‘Paro Paro G’ dance craze nitong Lacson-Sotto tandem, pero hindi sila mismo dahil alam naman nating iwas sila sa mga ganyang galawan ng politiko. Ang nakita kong sumayaw ay itong sina Papa Ping at Tito Vice na mga mascot nilang dalawa.

Ang lakas maka-good vibes! Balita ko rin magsisimula na ang road trip nina Papa Ping at Tito Vice dito sa norte, umpisa sa Ilocos Region.

Ito ang dapat abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.