Abante Tonite Interactive

Ping pabor na ituloy ang fuel excise tax

By
0 89

Pinaboran ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang rekomendasyon ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na ipagpatuloy ng Malacañang ang pagpapataw ng karagdagang P2 sa produktong petrolyo pagpatak ng Enero 2019.

Ayon kay Lacson, hindi na umiiral ang kondisyon ng TRAIN Law kung saan sususpendihin lamang ang nakatakdang fuel excise tax kung hihigit sa 80 dolyar kada barrel sa tatlong magkakasunod na buwan ang average price ng Dubai crude oil, dahil bumagsak na aniya ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado kasunod ng pitong linggong fuel rollback.

“I agree with DBCC. The conditions for the suspension of the excise tax hike no longer exist. World oil prices are down, hence the weekly fuel rollback,” sabi ni Lacson.

Abante Hiring – IT dep

Aniya, kapag ipinagpatuloy ang suspensyon ng fuel excise tax, nanga­ngambang magkaroon ng shortage sa revenue collection kung saan maa­aring magresulta umano ito ng pagkakautang at pagkalugi ng pamahalaan.

“Shortage in reve­nue collection results in more borrowings which translates to bigger budget deficit, then new or higher taxes,” dagdag nito.