Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping: PhilHealth minamanipula financial report

0 259

Magpapatawag ng imbestigasyon ang Senado hinggil sa hindi matapos-tapos na isyu ng korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at kabilang sa hahalukayin ng kapulungan ang pagmamanipula umano sa financial statement ng ahensya.

“Ang pangatlo [na issue] ang kanilang financial status, mukhang manipulate nila ang financial statement nila. May allegation na ganoon kaya ang COA [Commission on Audit], maski nakaraang pagdinig namin ang COA medyo nahihirapan suriin ang kanilang financial statement,” ayon kay Senador Panfilo `Ping’ Lacson.

“Ang nakakatakot dito, pag minasahe nila ang kanilang financial statement, halimbawa nagkaroon sila ng prior year adjustment, narinig na natin ito noong nakaraang pagdinig, ina-adjust nila ang kanilang nakaraang taon para mapalabas na solid pa rin ang financial status, na marami pa ring pera. Pero sa pagsusuri lumalabas ang kanilang debt to equity ratio, 1 is to 0.99. Ibig sabihin hindi positive. Kasi P111B ang kanilang liability, ang kanilang equities nasa P109B,” sabi pa ng senador.

Ibig aniya sabihin, mas marami pa utang ang PhilHealth kaysa sa pondong meron sila ngayon.

Sabi ni Lacson, hindi pa niya masyado tukoy kung sino ang dapat maging accountable sa alegasyon ng korapsiyon sa PhilHealth. Aniya, nais muna nilang malaman ang ‘level of authority’ ng mga isyung ito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.