Abante Tonite Interactive

Ping pinasalamatan ang mga kasamahang hindi dumalo sa special session

0 737

Nagpasalamat si Senador Panfilo Lacson sa ‘precautionary step’ na ginawa ng kanyang mga kapwa senador na hindi dumalo sa special session at sumunod sa quarantine protocol sa gitna ng banta coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“As an afterthought, all 12 of us who attended last Monday’s special session should thank our colleagues who did not join when they weren’t sure of their health condition,” pahayag ni Lacson sa kanyang mensahe kahapon.

“We could have been quaking in our boots now, not sure if we have been infected,” dagdag nito.

Noong Lunes, halos hindi mabuo ng Senado ang quorum sa special session dahil karamihan sa mga senador ay tinatapos pa ang 14-araw na self-quarantine period.

Gayunpaman, nagawa nilang ipasa ang `Bayanihan to Heal as One Act’ na nagbibigay ng dagdag na kapangyarihan kay Pangulong Duterte para tugunan ang banta ng coronavirus sa bansa.

Sabi pa ni Lacson, nagpaabot na sila ‘encouragement’ at ‘prayers kina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Senators Aquilino `Koko’ Pimentel III, at Sonny Angara nagpositbo sa COVID-19.

Sa kanyang panig, maayos naman ang kalusugan at walang sintomas ng naturang virus.

“As for me, I am feeling well and strong, and without any symptoms. I hope the rest of us including those who are waiting for the results of their tests are all safe,” ani Lacson. (Dindo Matining)