Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping rumatsada sa YT ang pelikula

0 72

Tatlong movie tungkol kay Ping Lacson.

Hindi pala papahuli ang presidential aspirant na si Ping Lacson pagdating sa dami ng nagawang pelikula tungkol sa kaniya.

Dahil nga sa tatakbong siyang pangulo sa May 2022 elections, marami na naman ang naghahanap sa YouTube ng pelikula tungkol sa kaniya. Dalawa dito ay tungkol sa buhay niya bilang pulis: “Ping Lacson: Super Cop” at “Task Force Habagat.” At isa ay nu’ng senador na siya na “10,000 Hours.”

Hindi nakapagtataka kung marami ang testimonials tungkol sa pagiging mahusay na pulis ni Ping .Ito ang nagpabalik noon sa tiwala ng mga tao sa PNP nang maging Chief PNP siya.

At ‘wag ka, iisa ang sinasabi ng mga kidnap victim na sinagip ni Ping at ng grupo niya, hindi niya tinatanggap ang iniaalok na pera ng pamilyang sinagip niya bilang pasasalamat.

Ang katwiran ni Ping, ginagawa lang nila ang trabaho nila.

Kaya ba hindi rin siya tumatanggap ng pork barrel funds nang maging senador siya?

Kabilang sa mga nagpatotoo niya eh itong sina Ruiz Saez-Co at Robina Gokongwei, na kidnap victims, at si Kathryn Bellosillo, na nanay ng mga batang nakidnap din. Na-interview pa nga si Kathryn sa podcast ni Matteo Guidicelli na “Mattruns.”

Parang eksena naman sa pelikula na’ng ikuwento ni Robina kung papaano siya sinagip ni Ping at grupo nito. Bigla raw pumasok sa kuwarto si Ping na nakaputing kasuotan kaya ang tawag niya sa senador ay tagapagligtas na “White Knight.”

Sabi naman ni Teresita Ang See, anti-crime NGO, namayagpag daw noon ang kidnapping dahil walang tiwala ang pamilya ng mga biktima sa kapulisan. Pero nag-iba na ang istorya nang si Ping na nakapuwesto.

Kung maging winner na pangulo si Ping, matakot ang mga kriminal at adik, mawala ang korapsyon, malamang na bobongga ang negosyo na kailangang-kailangan natin ngayon. Who knowns, baka may pang-apat na movie pa tungkol sa kaniya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.