Abante Tonite Interactive

Ping sa AFP: Maging tapat sa bayan

By
0 1,258

Nanawagan si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na panatilihin ang kanilang katapatan sa tungkulin sa Saligang Batas at sa sambayanang Pilipino lalo pa’t may mga ipinasa nang batas na magbebenepisyo ang mga sundalo.

Paliwanag ni Lacson, ang mga panukalang nasa ilalim ng AFP modernization program ay trinabaho ng Senado bilang isang institusyon na kumakatawan sa taumbayan.

“More than who authored the bills, the members of the AFP can best show their appreciation by serving the country and the Filipino people,” ani Lacson. 

Ginawa ni Lacson ang panawagan bilang tugon sa pahayag ni Senador Antonio Trillanes IV na inakda nito ang AFP Modernization Law at ang Salary Standar­dization Law para sa mga sundalo.

Kaugnay ito ng mga pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala namang naga­wang maganda si Trillanes para sa mga sundalo dahil naging isang korap na opisyal na umano ito mula nang maupo bilang senador.