Abante Tonite Interactive

Ping sa paglapag ng eroplano: Para tayong probinsiya ng China

By
3,230

Pinalalantad ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa Malacañang ang detalye ng paglapag ng eroplano ng militar ng China sa Davao City.

Sinabi ni Lacson na walang dapat ilihim ang administrasyon kung istrikto namang nasunod ang lahat ng protocol batay sa international standards.

“If these protocols were followed by the Chinese military aircraft, there is no reason why our concerned go­vernment officials should not make public the same,” saad ni Lacson.

Iginiit ng senador na mas magdududa pa ang publiko kung iniipit ang impormasyon hinggil sa usapin.

Binigyang-diin pa ng dating lider ng Philippine National Police (PNP) na walang iligal o iregular sa paglapag ng military aircraft ng isang dayuhang bansa sa kondisyong dumaan sa tamang diplomatic channel at inaprubahan ng Department of National Defense (DND).

“If such protocol was not observed, and worse, if the concerned officials were not even aware until such Chinese military aircraft had already landed, then, we acted like a province of China rathe­r than an independent and sovereign state,” giit ni Lacson.

Nauna nang kinumpirma ng Malacañang na nagsagawa ng refuel sa Davao City ang IL-76 noong nakaraang linggo at walang bumabang pasahero ang Australian-bound military plane.