Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping sinisipat `sell-bust’ sa PNP, PDEA McDo shootout

0 112

Kumbinsido si Senador Panfilo `Ping’ Lacson na pinaglaruan ng impormante o tipster ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil hindi aniya maaaring magkaroon ng magkasabay na buy-bust operation ang dalawang ahensya.

Humantong ang insidente sa ratratan ng mga operatiba ng PNP at PDEA sa parking area ng McDonald’s branch sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

“There couldn’t be 2 drug buy-bust operations between the PDEA and PNP operatives. One party must be doing `sell-bust’ which is prohibited. If they had a common informant, they had been played,” pahayag ni Lacson sa Twitter.

“Then, find out who fired first. These are the 3 angles that the probe should focus on,” dagdag ng senador.

NBI pasok sa kaso

Inatasan na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) na bigyan ng prayoridad ang pagsisiyasat sa McDo shootout.

Ito’y matapos ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint investigation ng PNP at PDEA, at sinabing ipaubaya ang pag-iimbestiga sa NBI para maging patas.

Inihayag pa ni Guevarra na kanya nang hiniling sa PNP at PDEA na ibigay ang buong kooperasyon sa isasagawang imbestigasyon ng NBI. (VAPA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.