Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ping sinita bawal hatid-sundo ng APOR

0 85

Kinontra ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson ang polisya ng Philippine National Police (PNP) na ipagbabawal na ang paghatid-sundo ng mga pribadong sasakyan sa mga Authorized Person Outside Residence (APOR) na mga manggagawa kapag ni-lockdown ang Metro Manila simula sa Biyernes.

Ayon kay Lacson, hindi praktikal at hindi rin makatuwiran ang naturang polisya at dapat itong pag-isipang mabuti ng PNP.

“Huwag naman sanang pabigla-bigla ang restrictions, to a point of being impractical if not illogical. Instead, they may want to exert a little extra effort to find a possible win-win solution,” dagdag pa nito.

Sabi ni Lacson, dapat mag-isip ng ibang solusyon ang PNP na hindi maapektuhan ang mga manggagawa sa polisiyang ito sa oras na ipatupad na ang lockdown sa Metro Manila simula sa Biyernes.

“Baka may paraan to satisfy both health concerns and a little convenience for our APORs who need to work to feed their families, or render indispensable service to others, like health workers and other frontliners,” ayon pa kay Lacson.

Nauna rito ay ipinahayag ni PNP chief General Guillermo Eleazar na ipagbabawal nila ang paghatid-sundo ng mga APOR oras na pinatupad na ang ECQ sa Metro Manila.

Ipinaliwanag ni Eleazar na madalas naaabuso ang nasabing gawain at nagiging palusot ng mga hindi APOR para makalabas ng bahay kahit may umiiral na lockdown.

Sabi pa ni Eleazar, tuloy pa rin naman ang ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan kapag umiral na ang ECQ sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20, pero hanggang kapasidad na 50 porsyento lamang ang maaaring sumakay. (Dindo Matining/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.